-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Sinang-ayunan ng ilang mga opisyales sa siyudad ng Tacloban ang posibilidad na pagpapasara ng ilang mga sementeryo ngayong Undas 2020.

Ayon kay Richard David Estrada, kapitan ng Brgy. 55 Tacloban, sang-ayon ito sa plano ng local government unit (LGU)-Tacloban dahil malaki ang maitutulong nito sa pagkontrol o maiwasan ang paglobo ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa siyudad.

Aminado naman ito na maraming mga tao sa siyudad ay dadagsa sa mga sementeryo lalo pat naging tradisyon na ng iilan na bumisita sa kanilang mahal sa buhay na namatay lalo na sa pagsapit ng Undas.

Nanawagan naman ang naturang opisyal na pupunta sa mga sementeryo na agahan nalang nila ang pagbisita sa mga sementeryo bago ang Undas nang sa gayon ay hindi na dumami pa ang mga tao.

Pinagbabawal din ang magbenta ng kahit na ano sa loob ng mga sementeryo.