-- Advertisements --

Pinagbawalang bumisita ang mga opposition leaders ng India kung saan naganap ang pagkasawi ng walong mga magsasaka.

Nagbunsod ang kaguluhan sa Lakhimpur Kheri nang sagasaan ang mga nagpoprotestang magsasaka ng motorcade ng isang federal minister.

Itinuturong suspek dito ay ang anak ng junioro home minister na si Ajay Mishra na mariing pinabulaanan naman nito ang alegasyon.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.