-- Advertisements --
water crisis

Kasabay ng matinding mainit na nararanasan sa Pilipinas ngayon ay ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nakakaapekto sa supply ng tubig.

Kanya kanyang pagtitipid ng tubig ang mga tao, kaugnay ng naka ambag paghina ng supply nito sa mg susunod pang araw dahil sa banta ng El Niño.

Ayon kay Angelica Nanggan at Elsia Pacheco sa ngayon nga raw ay halos araw araw silang nakakaranas ng pawala walang supply ng tubig kaya naman, gumagawa nalang raw sila ng paraan upang matipid ito.

Kung matatandaan, patuloy parin ang pagsisikap ng National Water Resources Board sa paghahanap ng water sources bilang paghahanda sa naka ambang tagtuyot sa bansa.

Isa na rito ay ang kung paano maiimbak ang tubig-ulan na maaaring maging kapakipakinabang sa panahon ng tag init.

Samantala, nasa 80% ang tsansa na mangkaroon ng El niño sa darating na Hulyo maging sa susunod na taon.

Sa ngayon ay patuloy rin ang pagmomonitor sa lebel ng tubig sa mga dam, dahil ayon sa pinakabagong datos ay pababa ito ng pababa.

Dahil dito, pinaalalahanan ng National Water Resources Board ang mga tao sa tamang pag gamit o pag titipid ng tubig.