-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nagsimula nang mapuno ang mga ospital sa lalawigan ng Aklan kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon, Jr ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan nasa critical level na ang mga ospital dahil punuan na ang mga intensive care unit (ICU) at COVID ward.

Nananatili aniyang high risk area ang Aklan sa buong Western Visayas dahil sa mataas na average daily attack rate (ADAR) na umaabot sa 150 hanggang 20 bawat araw at positivity rate na 40 to 50%.

Kaugnay nito, nanawagan ang PHO sa bawat local government units (LGUs) na palakasin pa ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration na istratehiya upang mapigilan ang impeksyon at hawaan ng COVID-19.