BUTUAN CITY – Inaasahang babahain na ng mga pasyenteng may respiratory problems ang mga ospital sa Washington DC sakaling di pa rin maapula ang wildfires sa Canada sanhi sa pagpasok na ng usok nito sa east coast ng Estados Unidos.
Sa excluisve interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international news correspondent Allan Camba na nagtuturo at nagtatrabaho sa isa sa mga ospital sa Washington DC, hindi na sila pinapalabas kasama ang mga bata at kanselado na rin ang mga aktibidad kung gagawin sa labas ng paaralan.
Ito’y bunsod na rin sa ‘very poor’ na Air Quality Index o AQI na tatlong araw na nilang nararanasan.
Kahit sa recess time ay wala ng pinapalabas ng school bunsod na rin sa mga warnings ng gobyerno na iwasan muna ito para na rin sa kanilang kalusugan.