-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naghahanda na ang Department of Health (DOH) sa Western Visayas sa pagdating ng Sinovac vaccine.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Mary Jane Juanico Infectious Disease Section ng DOH Region 6, sinabi nito na hinihintay na lang nila ang pormal na kautusan mula sa kanilang central office.

Ayon kay Juanico, ang mga tiyak pa lang na mga ospital sa Western Visayas na mabibigyan ng higit sa 8,000 bakuna ay ang mga COVID-19 referral facilities kagaya ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital at Western Visayas Medical Center.

Ninilaw naman ni Juanico na ang mga uunahing mabibigyan ng Sinova vaccine ay mga frontline health workers at walang tatanggapin na mga walk in.