-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inakusahan ng alkalde ng bayan Carles, Iloilo na protektor ng illegal fishers ang otoridad at mga opisyal ng gobyerno.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Carles Mayor Sigfredo Betita, sinabi nito na protektado ng mga otoridad at opisyal ang mga ilegal na mangingisda dahilan kung bakit laganap pa rin ang illegal fishing sa Carles at sa mga katabing bayan sa 5th district ng Iloilo.

Ayon kay Betita, tumatanggap umano ng suhol ang mga otoridad at opisyal mula sa mga illegal fishers.

Maliban dito, sinabi rin ni Betita na takot din na manghuli ang mga deputized na barangay officials dahil armado rin ang mga ilegal na mangingisda.

Nanawagan naman ang alkalde sa Philippine Navy na magpadala ng Naval patrol na siyang magpapatrolya sa karagatan upang matigil na ang ilegal na aktibidad sa karagatan na sakop ng lalawigan ng Iloilo.