-- Advertisements --

Davao City – Malaki ang hinala ng mga awtoridad na may isa pang suspek sa pagkamatay ng kasambahay na si Shiela Lagwasay, 29-anyos na residente sa Don Marcelino, Davao Occidental na iniwan na lamang sa gilid ng kalsada sa Block 20, Lot 44, Deca Homes, Cabantian, Davao City noong Hunyo 18, 2023 ng suspek at amo nitong si Nenita Pagatpatan, 70 taong gulang at byuda.

Ayon kay Buhangin PNP Chief of Police Major Joenel Pederio, kung pagbabasehan ang edad at kapasidad ni Nenita, posibleng may kasabwat pa sa kasong ito na kasalukuyang pinaiimbestigaha.

Ngayong araw, nakatakdang isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito. Ngayong araw din, nakatakdang sampahan ng kasong murder si Pagatpatan sa pamamagitan ng inquest proceeding.