-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan ng Iceland sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkan sa Reykjanes Peninsula sa Iceland.

Ayon kay Bombo Interntional News Correspondent Rowena Larenio na aktibo ang pamalahalaan sa naturang bansa lalo pa at pinalikas na ang mga residente mula sa bayan ng Grindavik.

Samantala, mahigpit naman ngayon ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad lalo pa at maraming mga local at foreign tourists umano ang nagnanais na makita ang aktibidad ng bulkan na patuloy sa pagbubuga ng lava.

Kwento nito na mayroon pang ilang mga turista ang umuupa ng chopper upang mas makita ng malapitan ang bulkan.

Nagtatakda lamang umano ng ligtas na lugar kung saan maaaring pumuwesto ang mga turista na bumibisita sa lugar.

Sinabi ni Larenio na isa sa mga binabantayan ng mga otoridad ay ang direksyon ng hangin dahil mapanganib umano ang usok mula sa bulkan kung malalanghap ito.

Sa kabila naman volcano eruption ay normal pa rin umano ang trabaho ng mga Pilipino sa naturang bansa.