Naharang ng mga law enforcement agencies ang isang motor banca at nasamsam ang P21.6 milyong halaga ng mga undocumented na sigarilyo sa bayan ng Pio Duran sa lalawigan ng Albay, ayon sa Bureau of Customs (BOC).
Nahuli ng BOC, kasama ang Philippine National Police Maritime Group pati na rin ang Bicol Region at Ligao City field units, ang 377 cigarette packages na nagkakahalaga ng P21,602,100 sakay ng isang bangka sa Barangay Marigondon noong Nobyembre 21.
Inaresto ng mga awtoridad ang siyam na indibidwal na nakasakay sa bangka at hindi nakapagpakita ng anumang legal na dokumento para sa mga kalakal.
Sinabi ng Customs na ang pagpupuslit ng mga sigarilyo ay paglabag sa mga seksyon ng Customs Modernization and Tariff Act, tobacco regulations outlined in Executive Order No. 245, at National Internal Revenue Code.