-- Advertisements --

May dalawang anggulong tinitignan ng mga kapulisan ng Peru sa naganap na pagkahulog ng bus sa bangin na ikinasawi ng 29 katao.

Ayon sa mga otoridad maaring mabilis ang pagpapatakbo ng bus habang posibleng inantok din ang driver ng bus na inooperate ng Leon Express.

Magugunitang nahulog ang bus sa bangin na may taas na 328 talampakan.

Dinala naman sa pagamutan sa bayan ng Chosica ang mga nasugatang pasahero.