-- Advertisements --
sri lanka bombings

ILOILO CITY – Pahirapan ngayon ang mga otoridad sa pagkilala sa bangkay ng mga biktima ng easter bombing sa Sri Lanka na ngayon ay umaabot na sa halos 300.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo international correspondent Christine Octaviano Abeykoon, direkta sa Colombo, Sri Lanka, sinabi nito na sa ngayon isa sa mga pangunahing problema ng mga hospital ay ang pagbigay ng mga identity ng mga namatay sa pambobomba kung saan karamihan sa mga biktima ay halos hindi na makilala.

Ayon kay Abeykoon, maliban sa mga nasabugan na mukha, bali-bali rin ang mga katawan ng mga biktima.

Ito na aniya ang pinakamalalang pambobomba sa nangyari sa Sri Lanka kung saan hindi nito lubos maisip na sasapitin ito ng dating mapayapang lugar.

Sa ngayon, nagdeklara na ng state of emergency ang Sri Lanka kasunod nang nasabing terorismo.