Nagtala na ng dalawang katao ang nasawi at maraming iba pa ang nasugatan sa patuloy na nagaganap na wildfire sa Los Angeles.
Ang apat na patuloy na wildfire na tinawag na Palisades na nagsimula ng mahigit 24 oras ay sumira na ng mahigit na 1193 na hektarya na lupain.
Sinabi ni Los Angeles City Council President Marqueece Harris-Dawson na malaking hamon ngayon ang pag-apula ng sunog dahil hindi sila makagamit ng eroplano dahil sa lubhang mapanganib ito sa ngayon.
Mayroong ng halos 2,000 mga bumbero ang nagtulong-tulong para maapula ang nasabing apoy.
Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng sunog.
Ilang daang libong residente naman ng lugar ang pinalikas dahil sa panganib.
Dahil sa insidente ay kinansela na rin ng mga otoridad ang pasok sa mga paaralan.