(Update) NAGA CITY – Umaapela ngayon ng tulong ang municipal administrator ng bayan ng Sagnay, Camarines Sur sa publiko para sa mabilis na pagresolba sa kaso ng pagpatay at panununog sa isang babae sa Barangay Patitinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Marjun San Felipe, sinabi nitong halos hindi na makilala ang nasabing babae dahil maliban sa hubad nitong katawan, sinunog umano ng salarin ang ulo nito.
Dagdag pa ni San Felipe, napapatuloy ang kanilang imbestigasyon dahil pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktima bago pinatay.
Napag-alaman na hindi ito ang unang beses na nangyari ang naturang krimen sa nasabing lugar.
Kung maaalala, natagpuan na lamang ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na nakahandusay, nakahubad at sunog ang ulo sa Sitio Rawis ng naturang barangay.
Maliban dito, narekober din malapit sa bangkay ang isang basyo ng bala ng baril.