-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinarangalan ang mga outgoing na opisyal ng lungsod ng Baguio.

Una nang nabigyan ng tribute ceremony si outgoing Mayor Mauricio Domogan noong nakaraang linggo habang kahapon naman ay kinilala ang mga nagawa ng mga outgoing na konsehal at administrador ng lokal na pamahalaan ng Baguio City.

Iginawad ang vision awards sa mga Outgoing City Councilors na sina Elmer Datuin, Peter Fianza, Leandro Yangot, Vice Mayor Edison Bilog, City Administrative Carlos Canilao at kay City Mayor Mauricio Domogan.

Tinagurian namang ang Baguio City bilang Most Outstanding Sangguniang Panlunsod sa buong Cordillera Administrative Region sa pamamagitan ni Civil Service Director Marilyn Tibaldo at ng Department of Interior ang Local Government-Cordillera.

Tumanggap pa ang Baguio City Council ng Plaque of Appreciation bilang National Finalist sa Highly Urbanized Cities Category 2018 at ito ay titulado sa Local Legislative Award na iginawad ng Civil Service Comission at Philippine Councilor’s League.