-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- pagkilala sa mabuting gawain na pagbabayad ng tamang halaga ng buwis sa tamang oras ay binigyan ng parangal ng City Government of Kidapawan ang mga outstanding taxpayers ng lungsod para sa taong 2021.

Masayang tinanggap ng mga Top 20 Sole Proprietorship at Top 20 Corporation taxpayers ang Certificate of Recognition mula sa lokal na pamahalaan. Buong pagsaludong inabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang mga plaque bilang parangal sa mga namumukod-tanging mga taxpayers. Kasama rin sina City Treasurer Redentor Real at mga City Councilors na sina Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Jason Roy Sibug, Gallen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, ABC Federation President Morgan Melodias, at SK Federation Chair Ceen Teena Taynan na bumati at nagpasalamat sa naturang mga mangangalakal.

Labis pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang lahat ng mga taxpayers dahil sila ay kaakibat ng lokal na pamahalaan tungo sa pagkamit ng lahat ng layunin nito para sa lalong pang paglago at kabutihan ng sambayanan.