-- Advertisements --
Muling isinara ang mga paaralan at kolehiyo sa New Delhi, India dahil sa nararanasang polusyon.
Noong nakaraang linggo kasi ay nagdesisyon na rin ang gobyerno na buksan na ang mga paaralan na isinara ng halos 15 araw dahil sa makapal na usok mula sa pulosyon.
Binatikos ng korte suprema ng India ang city government ng New Delhi dahil sa agarang pagbubukas na ng mga paaralan kahit na patuloy pa ring nararanasan ang polusyon.
Nagrenta na rin ang gobyerno ng 700 na buses na gumagamit ng natural gasses para hindi na lumala pa ang polusyon.
Ang nasabing pollution ay maraming mga bata ang itinakbo sa pagamutan dahil sa hirap silang huminga.