-- Advertisements --
Tuluyan ng isinara ng Italy ang lahat ng mga paaralan at unibersidad dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadapuan ng coronavirus.
Ipapatupad ito hanggang Marso 15 at ito ay paraan para sa mahigpit na pagbabantay kontra sa COVID-19.
Umaabot na kasi sa 28 ang nasawi sa Italy matapos na madapuan ng nasabing virus.
Sinabi ni Prime Minister Giuseppe Conti , walang problema sa paghawak ng gobyerno sa nasabing mga virus at kailangan lamang nila gawin ang hakbang bilang pagpigil sa mga nadadapuan ng virus.
Hanggang mababa pa ang nasabing kaso ay kaya pa itong hawakan ng kanilang gobyerno.
Bukod sa mga paaralan ay nauna ng kinansela ng bansa ang mga malalaking sporting events na gaganapin sa kanilang bansa.