CEBU –Isang linggo bago ang sembreak, isang malagim na krimen ang nangyari sa isang daycare center sa bansang Thailand kung saan 38 indibidwal ang namatay kabilang ang 24 na bata na kasalukuyang natutulog noong mga oras na iyon.
Ito ang ibinunyag ni Giel Eduardo Acot Orillosa, isang guro sa Thailand, na eksklusibong nakapanayam ng Bombo Radyo Cebu.
Ibinunyag ni Orillosa na nakaramdam sila ng takot nang mabalitaan ang nangyaring mass shooting sa isang daycare center, kaya una nilang ginawa ay alamin kung may mga gurong Filipino na sangkot sa insidente dahil marami nang Filipino teacher na nakatalaga sa bansang Thailand.
Bagama’t nalungkot sila sa pangyayari, kumalma rin sila dahil walang Pinoy na sangkot sa insidente.//
Ibinunyag din ni Orillosa na madali lang na gawin ng suspek ang krimen dahil kadalasan walang security guard sa mga paaralan sa Thailand dahil na rin sa mababang crime rate.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang namatay sa insidente ay dahil sa nakagawiang gawain ng mga daycare center sa Thailand kung saan pinapatulog ang mga bata pagkatapos ng tanghalian.