-- Advertisements --
Nagdeklara ng walang pasok sa mga paaralan sa Delhi, India dahil sa mataas na level ng air pollution.
Ito ang unang pagkakataon na bumagsak ang kalidad ng hangin.
Para mailigtas ang mga mag-aaral sa anumang sakit ay minabuti nilang isara ang mga paaralan sa loob ng dalawang araw.
Inaasahan naman ng mga otoridad na bubuti ang kalidad ng hangin sa mga susunod na mga araw.
Ang nasabing lugar kasi ay itinuturing na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.