-- Advertisements --
Pinagpaplanuhan ngayon ng local na pamahalaan ng Dipolog ang paggamit sa mga paaralan ng bawat barangay bilang mga isolation area para sa mga darating na locally stranded individuals sa lugar na sasailalim sa mandatory 14 – day quarantine.
Napag-alaman na tinalakay ang naturang plano sa isinagawang regular session ng konseho kung saan layunin umano nito ang pagsiguro sa kaligtasan ng bawat isa laban sa nakamamatay na COVID19.
Nabatid na nasimulan na umano ng mga barangay kapitan ang inspeksyon sa mga school buildings na gagawong isolation area at inaasahang magkakaroon ng follow up inspection ang mga personahe ng Department of Health upang masuri kung kwalipikado ba ang mga naturang building.