-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Ministry of Education at Higher Education ng Lebanon na pansamantalang isara ang mga paaralan sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

Kanila na ring pinaalalalhanan ang mga mag-aaral sa ilang educationa districts ng pagsasara.

Una ng nagsara ang Lebanese University kasama ang mga sangay nito sa Sidon, Nabatieh at Tyre City.

Ang nasabing pagsasara ay bunsod ng patuloy na pag-atake ng Israel kung saan ilang mga Hezbollah lider at fighters ang kanilang napatay.