ISLAMABAD, Pakistan – Nakapagtala ng panibagong high record level of air pollution sa syudad ng Lahore, Pakistan kung saan ay napilitan ang mga awtoridad na ipasara muna ng isang linggo ang mga eskwelahan.
Ang bagong record ng poor air quality sa lungsod ay lubhang mapanganib sa pagpalo ng range of air pollutants na higit 1,000 batay sa air quality index na ang benchmark ay 300 lamang dapat ayon sa World Health Organization.
Dahil dito, ipinag-utos ang mahigpit na pagsusuot ng facemask sa buong lungsod at ang pagpapatupad din ng green lockdown na naglalayon na gawing work from home ang 50% na bilang ng mga empleyadong nagtatarabaho sa lugar.
Nakapaloob din sa mga hakbang ng gobyerno ang mahigpit na pagbabawal sa pagluluto ng barbecue ng walang air filter at pagmamaneho ng mga engine-powered rickshaws.