-- Advertisements --

Ipinasara ng South Korea ang lahat ng mga paaralan at kindergarten dahil sa muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Umabot na kasi sa halos 200 staff ng paaralan at mga mag-aaral ang nadapuan ng virus sa loob ng dalawang linggo.

Ayon sa Ministry of Education, na magsasagawa na lamang sila ng remote learning hanggang Setyembre 11.

Dahil sa pangyayari ay gagawin na lamang online ang klase ng mga mag-aaral maliban sa mga high school na kukuha ng college entrance examination.

Magugunitang nagbukas ang klase noong Mayo 20 at Hunyo 1 matapos ang pagbaba ng kaso ng coronavirus.