Inihayag ng Department of Education (DepEd) na ang target na petsa ng pagbubukas ng klase para sa mga paaralang ipinagpaliban ang ito ay itinakda na sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni Department of Education Secretary Sonny Angara sa isinagawang sidelines ng ceremonial Memorandum of Agreement sa pagitan ng DepEd at Khan Academy Philippines Incorporated sa DepEd Complex sa Pasig City.
Ayon kay Angara, ang ilang sa mga paaralang ito ay binabaha kayat patuloy nila itong mimo monitor .
Sinabi pa nito na naging maayos naman ang pagbubukas ng unang klase para sa School Year 2024-2025 batay na rin sa kanilang mga ginawang paglilibot sa ilang paaralan .
Gayunman, binanggit niya na mayroon pa ring mahigit 600 paaralan na hindi pa nagbubukas dahil sa Bagyong Carina at habagat.
Sa mga ito, binanggit niya na mahigit 80 paaralan ang ginagamit bilang mga evacuation center.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa 615 na mga paaralan ang ipinagpaliban ang kanilang pagbubukas noong Hulyo 29.
Ang mga paaralang ito ay matatagpuan sa apat na rehiyon kabilang ang National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon.
Iniulat din ng DepEd ang aabot sa 454,082 na mag-aaral na apektado ng bagyo habang 241,334 dito ay mula sa NCR; 16,890 sa Rehiyon I; at 195,858 sa Rehiyon II at iba pang lugar.