-- Advertisements --
Muling bumigat ang daloy ng trapiko sa mga lansangan sa paligid ng mga terminal ng bus at paliparan ngayong unang araw ng pagbabalik sa trabaho at paaralan pagkatapos ng holiday season.
Maging sa mga pantalan ay nakitaan ng malaking pagtaas ang bilang ng outbound passengers.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sa nakalipas na mga oras ay umabot sa 52,839 ang mga byahero.
Payo ng mga otoridad, kung maipagpapaliban ang pagtungo sa mga matataaong lugar ay mas mainam upang hindi na maipit ng trapiko.
Inaasahan ang volume ng mga pasahero hanggang sa darating na weekend.