-- Advertisements --
Mahigpit na inatasan ng postal service sa China ang kanilang empleyado na magsagawa ng pag-disinfect sa lahat ng mga international deliveries.
Malaki kasi ang hinala nila na ang mga padala mula sa ibang bansa ang siyang nagdulot ng coronavirus outbreak.
Bilang paniguro ay naghigpit ang postal service ng China sa nasabing pag-disinfect ng nasabing mga padala na galing sa ibang bansa.
Isa kasing babae ang nagpositibo sa Omicron variant kahit na hindi ito bumiyahe sa ibang bansa na ang hinala ng mga otoridad ay nakuha nito ang virus mula sa padala sa kaniya galing ng North America.