Inatasan ni Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga pagamutan at health facilities na dapat magpaalam muna sa mga pasyente nila bago isawalat ang kanilang mga pangalan.
Sinabi pa ng kalihim na sa ganitong paraan ay para maging boluntaryo ang koordinasyon sa epidemiology at surveillance units sa close contacts ng pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay para hindi rin nalalabag ang karapatan ng pasyente kapag isinisiwalat ang pangalan sa publiko.
Hiniling din nito sa mga local government units, provincial, city, municipal at barangay levels ganon din sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang paghanap ng mga pasilidad na maaaring gawing termporaryong isolation o quarantine facilities.