-- Advertisements --
Ikinagalit ng mga doctor sa Russia dahil sa ipinasara ng gobyerno ang maraming pagamutan.
Umabot na kasi sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga nadapuan ng virus sa nasabing bansa at sinasabing karamihan ng kaso ay galing sa mga pagamutan.
Binalaan din ng Federal Security Service ang mga doctor na sasampahan sila ng kaso dahil umano sa pagpakalat ng fake news na kulang ang gamit ng mga pagamutan.
Magugunitang umani na rin ng batikos si Russian President Vladimir Putin dahil nagpadala ng ilang libong personal protective equipment sa ibang bansa habang kulang ang mga kagamitan sa kanilang pagamutan.