-- Advertisements --

Plano ngayon ng South Korea government na atasan ang mga malalaking pagamutan nila na ilaan ang 1.5 percent ng kanilang intensive care beds para sa mga mayroong malalang COVID-19.

Nakapagtala kasi ang nasabing bansa ng 345 na kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Dahil sa nasabing pagtaas ng kaso ay pinulong ng mga health authorities ang mga directors ng top 31 hospitals at plano nilang maglabas ng administrative order para sa nasabing paglaan ng 1.5% ng kanilang ICU beds para sa mga mayroong severe at critical COVID-19 patients.

Mula pa noong Disyembre ay naglaan ang mga pagamutan ng 1% ng kanilang ICU beds.

Mayroong kabuuang 810 ICU beds para sa mga mayroong malalang kaso ng COVID-19 kung saan 298 na lamang ang natitira dahil sa halos nagamit na ito lahat.