-- Advertisements --

Nakatakdang mag-anunsiyo si US President Joe Biden ng mga bagong panuntunan sa pagbili ng mga baril.

Ayon kay White House press secretary Jen Psaki, posible sa araw ng Biyernes ng umaga (PH time) ay iaanunsiyo ni Biden ang mga pagbabago bago makabili ng mga baril.

Ilan kasi sa mga bagong panukala ni Biden ay ang pagkakaroon ng masusing background check sa sinumang bibili ng mga baril.

Magugunitang nanawagan si Biden sa kongreso na repasuhin na ang gun control law sa US matapos ang magkakasunod na mass shooting sa US.