-- Advertisements --
davao city
Davao Del Sur

DAVAO CITY – Pagbabawalan na ang mga pagbyahe sa lungsod ng Davao kung hindi man lang importante ang magiging rason simula sa Nobyembre 16, 2020 hanggang December 31, 2020.

Ang naturang kautusan ay base sa inilabas na Resolution No 1 series of 2020 ng Davao City COVID-19 task force.

Layunin umano nito na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ang patuloy ring pagdagsa ng mga tao sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Tanging pinapayagan lamang ay ang mga agri at non-agri cargo delivery, Health and Emergency Frontline Services, Government Officials and Employees, Duly-Authorized Humanitarian Asssitance, Health and emergency frontline services personnel; at ang mga papasok ng lungsod na magta-trabaho o mag-negoyo na kaagad naman babalik sa kanilang probensiya.