-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Nagkakaubusan na umano ng mga pagkain at medical supplies sa Japan dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Roger Reymundo, factory worker sa Japan, nagpa-panic buying kasi ang mga mamamayan lalo na sa mga lugar na apektado ng virus dahil sa mahigpit na pagbabawal ng Japanese government sa mga pagtitipon.
Sa katunayan, sinabi niya na sarado ngayon ang mga eskwelahan at mga simbahan sa Saitama at iba pang lugar sa Japan.
Bukod dito sinabi pa ni Reymundo na voluntary na lang ang pagpasok ng ilang empleado at ang iba ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng internet.
Gayunman, sinabi niya na hindi pa nila tiyak kung susunod sila kapag ipinag-utos ang repatriation ng mga OFWs.