-- Advertisements --
Congresss House of reps
House of Representatives

Pinaiimbestigahan ng apat na kongresista ang industriya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Sa House Resolution No. 337 na inihain nina Minority Leader Bienvenido Abante Jr., CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva, Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, at Manila Rep. Manuel Luis Lopez, kanilang hinimok ang Kongreso na imbestigahan ang pagdami ng mga Chinese workers sa POGO industry.

Gayundin anila ang hindi pagbayad ng tamang buwis ng mga ito at ang iba pang paglabag sa National Internal Revenue Code, Immigration Rules and Regulations at Labor Code of the Philippines.

Iginiit ni Abante na ang imbestigasyon na ito ay long overdue na dahil sa maraming issue na ang nauna nang lumutang hinggil sa POGO industry.

Batay sa datos ng Department of Labor and Employment, nasa 63,855 documented foreign nationals ang nagtatrabaho sa POGO industry pero mayroong pagtataya na umaabot na ito ng hanggang 120,000 sa ngayon.

“The fact that we cannot even accurately account for these workers is troubling. If we have problems with regard to their documentation, then we will definitely have issues properly determining revenue collection,” ani Abante.

Bukod sa lugi ang pamahalaan dahil sa napaulat na hindi pagbabayad ng hustong buwis ng POGO industry, nababahala rin ito sa pagtatayo ng mga hubs sa mga kampo ng militar na ayon kay Department of Defense Sec. Delfin Lorenzana maituturing bilang strategic locations.

“What kind of possible threats do these POGO hubs near our defense installations represent? These and other concerns are what we want to address in an inquiry,” palinawag ni Abante.