KALIBO, Aklan — Sapat na umano ang inilaang oras at mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa House Quad Committee hinggil sa ginawa niyang pagpatay noon para masampahan ito ng kaso.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) representative France Castro, darating ang panahon na masasampahan ng kaso ang dating pangulo dahil sa paglabag nito sa International Humanitarian Law at pagkasawi ng libu-libong katao sa inilunsad na war on drugs ng kanyang administrasyon.
Malinaw aniya na hindi dumaan sa legal na proseso ang ginawang pagpatay ng mga awtoridad bagay na kahit sila ay may pananagutan rin.
Dagdag pa ni Castro na maaring makipagtulungan ang Malakanyang sakaling dakpin ng Interpol si Duterte.
Giit pa nito na under oath ang mga pag-amin ng dating pangulo lalo na ang paghikayat nito sa pulisya sa pagsasagawa ng mga sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan.
Mistula umanong wala sa tamang state of mind si Duterte dahil puro patayan ang lumalabas sa kanyang bibig.