Matapos na pauwin ang mga diplomats ng Pilipinas, iginiit ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na dapat seryosohin ang mga pronouncements ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Canada.
Nauna nang nagbanta Pangulong Duterte ng giyera kontra Canada kung hindi raw nito kukunin ang ilang toneladang basura na iligal na ipinadala ng isang private company sa Pilipinas noong 2013 at 2014.
Bagamat iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na “figure of speech,” iba naman ang dating nito para kay Locsin.
“When the President speaks as he did to the extent of ‘declaring war on Canada’ for its garbage here, he is to be take seriously and not metaphorically; at least I do because I do not think I know better than he does. Some of his officials do,” saad ni Locsin sa isang tweet nitong araw.
Matapos na mabigo pa rin ang Canada na kunin ang natitirang 69 containers ng basura mula sa Pilipinas, sinabi ng kalihim na nagpadala na siya ng liham para i-recall ang mga ambassador at consuls ng Pilipinas sa naturang North American country.