-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi mangyayari sa mga paliparan ng Pilipinas ang nangyari sa Dubai, United Arab Emirates, na binaha ang kanilang paliparan.

Ayon sa kalihim na ang mga drainage system ng mga paliparan ng bansa ay ginawa para kaya ang anumang uri ng lakas ng pag-ulan.

Kumpara sa Dubai na kaya inayos mabuti ang drainage system ng mga paliparan ay dahil madalas ang pagdaan ng mga bagyo sa Pilipinas.

Pagtitiyak naman ng kalihim na kanilang regular na tinitignan ang mga lagay ng drainage system ng paliparan sa bansa.