-- Advertisements --

Nagsimula ng maging operational ang mga paliparan sa Syria matapos ang pagpapatalsik kay President Bashar al-Assad.

Ang flight ay mula sa Damascus airport na ligtas na nakalapag sa Aleppo.

Mayroong lulan an 43 katao ang eroplano kasama na ang ilang mga mamamahayag.

Noong Disyembre 8 kasi ay inabandona ng pro-Assad forces ang paliparan matapos ang pag-usad ng mga rebeldeng grupo na umatake mula pa noong Nobyembre 27.

Mula noong araw na iyon ay walang mga flights ang isinagawa dahil sa pangamba sa seguridad.

Inaasahan naman nila na sa susunod na linggo ay magsisimula na ang international flights.

Magugunitang binuksan na rin ng Jordan ang kanilang border ng Syria na unang isinara dahil sa pangambang pagkalat ng nasabing kaguluhan.