Naglatag na ng mga hakbang ang Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation para matugunan at malaban ang kahirapan sa Pilipinas.
Ito ang iniulat ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon kahapon.
Ayon kay Gadon, may iba’t-ibang mandato at pamamaraan ang mga ahensya para laban ang kahirapan sa bansa.
Batay sa datos, bumaba ng 18% ang poverty rate sa bansa dahil sa mga pinagsama-samang effort ng mga concerned agencies ng gobyerno sa loob lamang ng mahigit isang taon na panunungkulan ni PBBM.
Kumpyansa ang kalihim na maibaba pa sa 15% ang poverty rate sa Pilipinas bago matapos ang taong ito.
Makatutulong aniya dito ang malaking bilang ng mga negosyante na gustong mamuhunan sa bansa at magbibigay ito ng madaming trabaho.
Giit ni Gadon , nakatutulong rin para mapababa ang poverty rate ang pagbibigay ng administrasyong Marcos ng cash aid sa mga mahihirap na mamamayan.