-- Advertisements --

Walang dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan na pumapasada sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Department of Tranportation (DoTr) Assistant Secretary Steve Mark Pastor na inatasan sila ni Secretary Arthur Tugade na hindi gagalawin ang mga pamasahe bilang tulong na rin sa mga mamamayan na apektado ng pandemiya.

Kahit aniya na nasa 50% lamang ang papayagan capacity ng mga sasakyan ay walang karapatan ang mga operator na itaas ang pamasahe.

Tiniyak ng DoTr na kanilang pananagutin ang sinumang lalabag sa nasabing kautusan.