LAOAG CITY – Namomroblema ngayon ang mga residente sa Shanghai, China dahil halos wala nang laman ang mga pamilihan sa nasabing lugar dahil sa coronavirus.
Sa interview ng Bombo Radyo Laoag sa isang Overseas Filipino Worker na si alyas “Aida”, taga Quezon province pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Shanghai, sinabi niya na sa pagtungo nilang magkakaibigan sa ilang pamilihan ay halos wala na silang nabili pa dahil sa nangyayaring panic buying matapos pumutok ang kasong coronavirus.
Aniya, kahit mga gulay ay wala na ring mabili pa sa mga supermarket sa Shanghai, samantalang noong wala pang coronavirus ay tambak ang mga panindang gulay sa lahat nga pamilihan sa nasabing lugar.
Dahil dito, nangangamba sila na kapag tumagal pa ang outbreak ay wala na silang makain pa.