-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hanggang sa ngayon ay nasa state of shock at traumatic pa rin ang pamilya at kaanak ng Grade 2 na estudyante na namatay matapos matusok ng matulis na kahoy habang ito ay naglalaro lamang sa tabing-ilog sa bayan ng Norala, South Cotabato.

Ayon sa lola ni alyas Jast na si Vilma Millo, hindi sila makapaniwala na ganun na lamang ang sasapitin ng kaniyang apo.

Ayon kay lola Vilma, idiniretso muna ang bangkay ng bata sa punerarya at sa halip ay inihatid muna ito sa bahay dahil hindi nila alam ang gagawin.

Emosyonal rin itong nagpasalamat sa mga tumulong sa kanila lalo na’t mahirap lamang sila.

Nabatid na naka-enroll na si Jast kung saan ayon kay Lower Tinago Elementary School principal Richard Padernal, inihatid pa nila ang learner enrollment form sa bahay ng bata.

Ayon kay Padernal, masyado aniyang aktibo si Jast sa mga aktibidad kung saan makikita ito sa mga larawan.

Kaya labis rin ang kaniyang gulat at lungkot nang nalaman ang pagkamatay ng bata.