-- Advertisements --
justice maguindanao massacre

KORONADAL CITY – Halo-halo umanong emosyon ang nararamdaman ngayon ng mga naulilang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre kaugnay sa nalalapit na pagpapalabas ng desisyon ng desisyon sa kontrobersiyal na kaso.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Emily Lopez, presidente ng Justice Now Movement, labis nila itong ikinagalak dahil matapos ang 10 taon ay ganap nang mapapanagot ng korte ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Ngunit nangangamba rin daw sila sa maaaring maging resulta ng promulgation ng kaso.

Ito ay dahil sa muling pagbabalik sa posisyon sa pamahalaan ng ilan sa mga itinuturong nasa likod ng Ampatuan masaker.

maguindanao ampatuan massacre

Sa ngayon ay nagpapatuloy aniya ang pagsasagawa nila ng consultation meeting bawat buwan at pakikipagpulong sa mga pamilya ng mga biktima upang makamit na ang inaasam-asam na hustisya.

Una nito, kampante ang DOJ na ilalabas ng korte ang desisyon sa kaso bago ang isang dekadang anibersaryo nito sa Nobyembre 23, 2019.

Matatandaang sa naturang masaker, 58 dito ang nasawi kabilang na ang mahigit 30 mga media practitioners.

maguindanao ampatuan massacre 1
Maguindanao massacre