Nagsampa ng reklamo sa Ad Standards Council ang pamilya ng namayapang si Senator Gil Puyat laban sa Gigil Advertising Agency.
Kasunod ito sa pagpapalit ng mga pangalan ng Gil Puyat Avenue sa lungsod ng Makati.
Sinabi ni Victor Puyat ang anak ng dating Senate President na ang nasabing ahensiya ay nilabag umano nito ang Code of Ethics ng Ad Standard Council.
Nakasaad sa nasabing ethics na dapat ang mga advertisements ay hindi bumabatikos o umaatake sa mga sinuman.
Nais nilang masuspendi o tuluyan ng pagbawalan ang nasabing Ad Agency.
Humingi na ng paumanhina gn supplements brand sa pamilya Puyat at maging kay Makati City Mayor Abby Binay.
Pinagpaliwanag na ni Binay ang city officials na nag-apruba ng marketing tactics.
Magugunitang umani ng batikos ang nasabing ad agency ng palitan nila ang mga karatulang nakalagay sa Lungsod ng Makati ng Gil Tulog mula sa dating Gil Puyat Avenue.
Si Puyat ay nahalal na senador noong 1951 at naging Senate President mula 1967 hanggang 1972 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at idineklara ang Martial Law bago isinara ang Kongreso.
Pumanaw ang nasabing dating Senador noong Marso 22, 1981.