Patuloy ang pakikipag-ugnayan ngayon ng Department of Social Welfare and Development sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng pagtagas ng oil spill dahil sa paglubog ng oil tanker na MT Terra Nova sa Limay lalawigan Bataan noong nakalipas na linggo.
Kaugnay nito, namahagi ang ahensya family food packs sa mga apektadong rehiyon at pamilya bilang tugon sa kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa DSWD, ito ay bahagi ng kanilang relief assistance sa direktiba na rin ni PBBM at DSWD Sec. Rex Gatchalian.
Sa ngayon, aabot na sa karagdagang 2,800 box ng FFPs ang kanilang naiabot sa mga pamilyang apektado ng pagtagas ng langis mula sa Bacoor, Cavite.
Mula ito sa National Resource Operations Center ng ahensya sa lungsod ng Pasay.
Kung maaalala, tiniyak ng DSWD na nakahanda sila anumang oras upang magpaabot ng tulong sa mga mangingisdang apektado ng insidente.
Ang suportang ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation at Ayuda sa Kapos ang Kita Program ng DSWD na ipinagkakaloob sa mga indibidwal na maliit ang kita katulad na lamang ng mga mangingisda na hindi makapalaot ng maayos dahil sa oil spill.