CENTRAL MINDANAO – Tumaas pa ang bilang ng mga nasugatan at nagsilikas dahil sa lindol sa probinsya ng Cotabato.
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng mga galos at sugat sa kanilang katawan na mga mag-aaral na nasa Tulunan, North Cotabato.
Ang bayan ng Tulunan ay sentro ng 6.6 magnitude na lindol at intensity 7 na may lalim walong kilometro at tectonic ang origin.
May naitalang sugatan din sa mga bayan ng M’lang, Makilala, North Cotabato at Kidapawan City.
Karamihan sa mga nasira at nagkabitak-bitak ay mga bahay, paaralan, pagamutan at mga malalaking gusali.
Inilikas din ang mga pasyente sa mga pagamutan sa tatlong bayan at isang lungsod sa North Cotabato.
Naglagay na rin ng command Post si Gov Emmylou ”Lala” Mendoza sa provincial capitol para agad ma-asses, ma-monitor at matulungan ang mga bayan na grabeng sinalanta ng lindol.
Ngayong araw ay nakatakdang mamamahagi pa ng tulong ang provincial government ng Cotabato sa mga bayan na grabeng naapektuhan ng lindol.
Una rito, nasa tatlo na ang nasawi at 32 ang nasugatan sa pagyanig akan North Cotabato.
Sa ulat ng pulisya sa bayan ng Arakan ang mga biktima ay nasa gilid ng kanilang bahay nang lumindol at nagulungan ang mga ito ng malalaking tipak na bato mula sa gumuhong bundok.
Wala nang buhay ang dalawa katao nang mahukay ng kanilang mga kapitbahay habang isa ay nakaligtas ngunit sugatan.
Patay rin ang isang buntis na nakilalang si Marichelle Morla, 23, nang mabagsakan ng sanga ng kahoy sa Brgy Banayal, Tulunan, North Cotabato.
Apat din ang missing sa gumuhong lupa sa Brgy Bato, Makilala, North Cotabato na nakilalang sina Renante Nudalo, Grace Nudalo, Jonathan Wegos at isang alyas Rey.
Nguni tanging ang bayan ng Tulunan ang grabeng inuga ng lupa na nasa sentro ng 6.6 magnitude na lindol kung sa isa ang nasawi, 20 sugatan, 1,581 pamilya ang nasiraan ng bahay at 700 totally damaged.
Pinangangambahan na lomobo pa ang bilang ng mga biktima nang lindol dahil hindi pa napapasok ng mga rescue group mula sa Provincial Desaster Risk Reduction Management Office.
Sa ngayon ay patuloy ang nararanasang malalakas na aftershocks ng 6.6 magnitude na lindol sa probinsya ng Cotabato.