Lumabas sa pag-aaral ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at United Nations Children’s Fund (Unicef) na ang mga pamilyang Pilipino na nagpapalaki ng mga batang may kapansanan ay gumagastos ng 40 hanggang 80 porsiyentong mas mataas kaysa sa mga walang kapansanan.
Ito aniya ang dahilan na nag-iiwan sa kanila ng poverty rates “na 50 porsiyento o mas mataas” kumpara sa ibang mga households.
Dahil dito, gumawa ng mga rekomendasyon ang dalawang ahensiya para sa mga problemang natukoy nito.
Kabilang sa mga rekomendasyong iyon ay ang pagbibigay ng mga allowance para sa kapansanan, ang pag-setup ng isang mas komprehensibong database ng kalusugan upang mapabuti ang referral ng mga batang may kapansanan sa mga ospital, at ang muling oryentasyon ng pampublikong patakaran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.