-- Advertisements --

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na naapektuhan ng shear line.

Partikular na namahagi ng ayuda ang ahensya sa mga residenteng apektado ng naturang weather system sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos na inilabas ng DSWD sa Bicol Region , aabot sa 439 family food packs ang naihatid nito sa mga pamilya mula sa Barangay Dahican sa Bayan ng Jose Panganiban.

Ang komunidad na ito ay matatagpuan sa coastal na lugar na labis na naapektuhan ng mga pag -ulang dala ng Shearline.

Pangunahing apektado ng sama ng panahon ang mga residente partikular na ang mga mangingisda dahil hirap silang pumalaot sa karagatan dahil sa mataas na alon.