Nag-umpisang magsidatingan na ang mga pami-pamilyang sasalubungin ang bagong taon dito sa Luneta, lungsod ng Maynila.
Kung saan, sa kabila ng nagbabadyang pag-buhos ng ulan, kapansin-pansing naglatag na ang ilan para mamaya.
Ibinahagi ng estudyanteng si Mark Francis Galutera na kasama pa niya ang pamilya mula Isabela.
Dagdag niya, nagsadya talaga silang magpunta rito sa Luneta upang salubungin ang bagong taon at magbalik tanaw na rin sa ganda ng makakasaysayang parke.
Habang ang pamilya naman ni Marilou Bagadiongi ay may dala-dala pang mga pagkain na pagsasaluhan nila hanggang mamayang hating gabi
Ang tagalinis naman sa parke na si Emilito Donatre ay sinabing mas kakaunti ngayon ang nakokolekta nilang basura kumpara sa nakaraang taon.
Ilang oras bago ang naturang salubong, nagtatayo naman ng kanilang sariling tent ang pamilya ni Denmark Ortega.
Aniya, nandito sila upang mapanood ang libreng concert at magagandang fireworks na inaabangan ng karamihan.