-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Pinaigting pa ng Joint Task Force Central ang pagtugis sa mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Bago lang narekober ng tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion Philippine Army ang mga pampasabog,ISIS flag,mahahalagang dokumento ng mga rebelde at mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED) sa Brgy Saniag Ampatuan Maguindanao.

Matatandaan na nakubkob rin ng militar ang kampo ng Dawlah Islamiya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy Saniag.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon laban sa mga local terrorist sa Maguindanao.

“I commend the troops for their successful recovery of these anti-personnel mines and war materials. The terrorist group will now have lesser capabilities to conduct terroristic attacks against our troops and the civilian populace” ani Uy.

Sa ngayon ay patuloy ang paglobo ng mga sibilyan na lumikas na apektado ng focused military operation ng Joint Task Force Central sa Maguindanao.